Ikinalugod ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang appointment ni Deputy Chief for Operations (TCDO) PLt. Gen. Vicente Danao Jr. bilang OIC PNP Chief kapalit ni outgoing PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magreretiro na sa serbisyo sa Linggo May 8,2022 bisperas ng halalan.
Ayon kay Interior and local government Secretary Eduardo Año, ang pagkakatalaga kay Danao bilang OIC PNP Chief ay mahalaga lalo na at ang bansa ay maghahalal ng bagong pinuno ng bansa.
Kaya ang unang marching order ng kalihim sa OIC PNP chief ay tiyakin na lahat ng kanilang security preparations ay in-place, lahat ng police units ay naka deploy.
Siguraduhin na magiging maayos, mapayapa ang halalan sa Lunes at siguraduhin bumoto ang ating mga kababayan ng ligtas.
Pinasisiguro din ng Kalihim kay Danao na may sapat na pwersa na magbabantay sa mga sa mga komunidad; tutukan ang mga lahat na mga areas of concern at siguraduhin na may sapat na pwersa para maiwasan ang anumang kaguluhan.
Pina-alalahanan din ni Ano si Danao na manatiling non partisan o apolitical ang pambansang pulisya.
Samantala, nanawagan naman si outgoing PNP Chief, PGen. Dionardo Carlos sa mahigit 225,000 nilang tauhan na ibigay ang 100 porsyentong suporta sa bagong OIC PNP Chief.
Ayon kay Carlos, nararapat lamang ding ibigay kay Danao ang kaparehong suporta at tiwala na iginawad sa kaniya ng buong hanay ng PNP.
Sinabi pa ni Carlos na tinitingala niya si Danao nang may mataas na paggalang at paghanga kaya’t kumpiyansa siya na magagawa ng bagong PNP OIC ang naka-atang sa kaniyang mandato kahit ito’y limitado.
Giit pa ng outgoing PNP Chief, hindi maaapektuhan ng kaniyang pagreretiro ang kasalukuyang ginagawa ng PNP na tiyaking mapayapa, ligtas at kapani-paniwala ang darating na Hatol ng Bayan sa Lunes.
Sa kabila ng pagkakatalaga bilang pansamantalang pinuno ng Pambansang Pulisya, nilinaw ni Carlos na mananatili pa rin si Danao sa kaniyang kasalukuyang posisyon bilang Deputy Chief PNP for Operations.
Sa kabilang dako, ayon naman kay PNP OIC Chief at TCDO at Task Force SAFE Commander PLt Gen. Vicente Danao, handa na ang PNP sa pagbibigay seguridad.
Una ng pinagana ng PNP ang kanilang National Election Monitoring Center (NEMAC) kung saan real time ang kanilany pagbabantay sa mga kaganapan sa halalan lalo na sa mga lugar na isinaillalim sa Comelec control at areas of concern.