-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng AFP at DND ang pagkakatalaga kay Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Sec. Carlito Galvez Jr matapos magbitiw sa pwesto ni Senior USec Jose Faustino Jr.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar ang malawak na experience ni Sec Galvez bilang military commander at public servant napatunayan ito ng pangunahan nito ang kampanya ng gobyerno laban sa Covid -19 makakatulong sa pag sustain sa peace and security ng bansa.

Nagpasalamat din ang AFP kay USec Faustino sa kaniyang leadership.

Ayon naman kay DND Spokesperson Arsenio Andolong kumpiyansa ang DND epektibong magagampanan ni Galvez ang pamumuno sa kagawaran dahil sa kanyang malawak na karanasan bilang isang military commander at public servant.

Si Galvez ay dating nagsilbi bilang ika-50 Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, at naglingkod bilang Presidential Adviser on Peace, Reconcilation and Unity sa ilalim ng nakaraang administrasyon hanggang sa kasalukuyan bago na-appoint sa DND.

Ipinaabot naman ni Andolong ang pasasalamat ng kagawaran kay dating DND Officer in Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr. sa kanyang serbisyo at pamumuno.

Kahapon naglabas ng official statement si Presidential Communication Officer OIC Sec. Cheloy Garafil na ikinalungkot ng Pangulo ang pag bitiw sa pwesto ni Senior Usec jose Faustino na dating AFP chief of staff din.

Magugunita na may mga reports na nagsilabasan hinggil sa mass resignation ng ilang mga defense officials.

Ang dahilan ay kung tatanggalin nila sa pwesto si retired AFP chief LtGen. Bartolome Bacarro.

Ayon sa report na nabanggit na umano ito ni Faustino sa ilang malalapit na kaibigan na siya ay magbibitiw sa pwesto kung papalitan sa pwesto si Bacarro.

May lumalabas din na balita na ang dahilan sa resignation ni Faustino ay dahil hindi pa nito nakuha ang permanent designation bilang Defense Secretary sa kabila na nag lapse na ang one year ban nito nuong November 2022.

Una ng nagkaroon ng mga ispekulasyon na ang pagbibitiw ng ilang DND officials ay magsanhi ng mga galawan o unusual movement o pag-aklas, dahilan sa nagtaas ng alerto ang PNP nuong Sabado kasabay ng change of command sa AFP.

Sa isinagawang turn-over ceremony nuong Sabado hindi dumalo si Pang. Bongbong Marcos at ang presiding officer ay si Executive Secretary Lucas Bersamin.

Hindi rin dumalo si Usec Faustino sa ceremonya.

Sa mensahe ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino binigyang diin nito ang pagiging propesyunal ng mga sundalo.

Suportado din ng mga major units ang pagkakatalaga muli kay Centino.

Samantala, itinanggi ng AFP na may squablling sa kanilang hanay.

Nilinaw na ng AFP na walang katotohanan ang mga nagsilabasang ulat kaugnay sa planong destabilization plot.

Ayon kay Phil Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad propesyunal na ang mga sundalo at hindi na nito papatulan ang ganitong mga usapin.