-- Advertisements --

Tinatanggap na muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang appointment schedule para sa transport network vehicle service (TNVS) applications.

Ayon sa LTFRB, tanging 200 applicants lamang ang maaccommodate kada araw hnaggang sa June 17, 2022.

Para makapagsecure ng appointment date, ang isang aplikante ay kailangang makapagrehistro sa website ng ahensiya. Ang mga requirements at detalye para sa in-eprson appointment date ay ipapadala sa oras na makumpleto ang registration.

Nagpaliwanag naman si LTFRB Board Member Engr. Sherwin Begyan na bagamat patuloy ang pagtanggap ng ahensiya ng TNVS applications, pansamantalang nahinto ang appointment scheduling ng isang linggo dahil sa napuno ang appointments na nakarehistro sa kanilang website at kaya lamang na makapag-accommodate ng 200 applicants sa isang araw.

Nauna ng sinabi ng LTFRB na nasa 8000 units sa ilalim ng Transport Network Companies ang kanilang bibigyan ng accreditation para matugunan ang tumataas na demand para sa mas maraming public transport service. Nasa 7000 slots ang nakalaan para sa National Capital Region , 220 para sa Central Luzon, 500 para sa Bicol Region at 150 para sa Western Visayas.