-- Advertisements --
Dolomite beach manila bay 1

Aasahan ng publiko ang mas pinahigpit na restrictions kasabay ng muling pagbubukas ng Dolomite Beach sa Manila Bay ngayong araw, December 28.

Kabilang dito ang pagpapatupad ng appointment system ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang maiwasan ang overcrowding at patuloy na masunod ang minimum public health and safety protocols.

Nangangahulugan ito na kailangang magsagawa muna ng reservation at registration online, isang araw bago ang planong pagbisita rito.

Obligado rin ang mga bibisita na dalhin ang kani-kanilang vaccination card kontra Coronavirus Disease 2019.

Nariyan din ang “one visitor per entry” policy at bawalan din ang pagpasok ng mga batang edad 11-anyos pababa.

dolomite beach PNP police swat

Ang interval o agwat sa mga nabanggit na schedule ay ilalaan ng mga kinauukulan sa paglilinis sa beach bago muling papasukin ang susunod na batch ng mga bisita.

Hindi rin papayagan ang pagpapasok ng pagkain at inumin sa beach area.

Samantala, ang pagbubukas muli sa publiko ng Dolomite Beach ay ngayong December 28 at 29, 2021, at sa January 4, 2022 onwards.

Pansamantalang isasara ito mula December 30, 2021 hanggang January 3, 2022.

Samantala, narito ang mga itinakdang schedule ng kagawaran sa pagbisita sa kontrobersyal na Dolomite Beach:

6:30AM to 7:30AM
8:00AM to 9:00AM
9:30AM to 10:30AM
11:00AM to 12:00NN
1:30PM to 2:30PM
3:00PM to 4:00PM
4:30PM to 5:30PM

dolomite beach manila QR