-- Advertisements --

Pinalawig pa ang appointment ng halos 50 miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) habang 30 naman ang mga itinalagang bagong miyembro.

Sa inilabas na listahan ng PCO, muling itinalaga ang 49 na mga miyembro ng BTA kasama rito si Mohagger Mohammad Iqbal.

Tatlumpot isa naman ang mga itinalagang bagong miyembro.

Ang BTA ang nagsisilbing pansamantalang lehislatura ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Orihinal na itinakdang magtapos ang mandato ng BTA noong June 30, 2022.

Dahil nagkaroon ng pag amyenda sa bangsamoro organic law sa panahon ng 18th congress, muling pinalawig ang termino ng mga BTA members ng panibagong tatlong taon o hanggang June 30 2025.

Pero dahil naipagpaliban ang may 12 2025 barmm parliamentary elections patungong october 13 ngayong taon sa ilalim ng Republic Act 12123, muling itinalaga ng Pangulo ang karamihan sa mga miyembro ng BTA at nagtalaga rin ng panibagong mga miyembro para sa kabuuang 80 mga miyembro.

Nauna nang nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng tatayong chief minister ng BARMM na si Gov. Abdulraof Macacua kapalit ni Ahod Mohammad Ebrahim.