-- Advertisements --

Bukas si house committee on appropriations chair Elizaldy Co na aralin ang probisyon sa bersyon ng senado sa 2024 gab patungkol sa contigent fund.

Sa ipinasa kasing bersyon ng senado nakapaloob ang probisyon kung saan ipagbabawal na ang paglipat ng contigent fund sa civilian government.

Ayon kay Co bahagi ito ng mga magkasalungat na mga probisyon na kanilang pa-plantsahin sa bicam.

Ang tiyak aniya, ilalaban nila ang dagdag pondo para sa social services gaya ng ayuda at iba pang programa na lalaban sa inflation.

Kanina nagpuplong ang senado at Kamara para sa isang bicameral conference.

Layon nito ayusin ang mga hindi nagkakainrindihang probisyon kaugnay sa 2024 GAB.