Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co na walang bahid na korapsiyon ang P5.768-trillion 2024 General Appropriations Bill (GAB) at ginawa ito upang matugunan ang mahahalagang pangangailangan ng mamamayang Pilipino.
Partikular na tinukoy ni Rep. Co ang mga social services gaya ng education, health, social security, employment, at iba pa na siyang may pinaka malaking alokasyon na nasa P2.183 trillion sa ilalim ng GAB pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.
Sinabi ni Co patunay lamang ito na binibigyang halaga ng gobyerno ang greatest asset nito ang sambayanang Pilipino dahil nilalayon nitong maglatag ng mas matibay na pundasyon para sa napapanatiling paglago at inklusibong pag-unlad.
Giit ng Kongresista na ang 2024 budget ay sumasalamin sa mga aspirasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na nakatutok sa pagtatayo ng Legacy Specialty Hospitals, Legacy Housing para sa mga mahihirap at Legacy on Food Self-sufficiency.
Sa panig ng Kamara napatunayan nito ang matatag na debosyon sa mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng nasabing batas.
Nuong Sabado pormal ng naitransmit ng Kamara ang kopya ng 2024 General Appropriations Bill.
Ang na-realign na pondo na nagkakahalaga ng P194.5 bilyon ay estratehikong namuhunan sa sektor ng seguridad at serbisyong panlipunan ng bansa dahil kinikilala ng Kamara ang agarang pangangailangan upang maibsan ang pang-ekonomiyang panggigipit na dulot ng pandaigdigang inflation.
Nangangako ang Kamara na ang mga Pilipino ay hindi maiiwan na mahina sa mga hamon sa ekonomiya na naghihintay sa hinaharap.
Siniguro din ng Kamara na ang 2024 GAB ay naka linya din sa direktiba ng Supreme Court na i-abolish ang pork barrel system.