Pinasalamatan ni Appropriations panel chair at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pag-ako na sila na ang magbabayad sa professional fees ng mga doktor para sa mga kababayan nating mahihirap na ospital.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., tuklasin pa ang ilang mga hakbang para pahusayon ang healthcare delivery para sa mga kababayan nating mahihirap.
Ikinatuwa ni Co na naging mabilis ang tugon ng PCSO sa kaniyang panawagan.
Ayon kay Rep. Co, nuong budget deliberation ng PCSO kaniyang ipinanawagan sa PCSO na sagutin ang professional fees ng mga doktor.
Umaaray na kasi ang ating mga mahihirap na kababayan dahil wala na silang pambayad sa mga doktor.
Nabatid na tumatanggi ang mga doktor na mabayaran sila sa pamamagitan ng Medical Assistance for Indigen and Financialy Incapacitated Patients Program (MAIPP).
Pinasalamatan din ni Co ang Philippine Medical Association sa pamumuno ni Dr. Hector Santos sa kanilang commitment na lahat ng mga doktor na miyembro ng PMA ay tatanggap ng bayad mula sa PCSO kahit umabot pa ito ng 30-60 days.
Naniniwala si Co na ang nasabing pagtutulungan ay pagpapakita na kapag ang gobyerno at mga propesyunal ay nagsasanib pwersa makakamit ang solusyon kung saan mga kababayan natin ang magbebenepisyo.