Tiniyak ni House Committee on Appropriations Committee Chairperson at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na walang idapat ipangamba ang mga rice farmers ng bansa.
Sinabi ng mambabatas na sobra-sobrang pondo na gagamitin sa pagsuporta sa mga lokal na magsasaka sa susunod na linggo.
Paglilinaw ni Co na walang nawala sa alokasyon para sa mga magsasaka kundi nadagdagan pa at tumaas sa 22 billion pesos sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.
Siniguro din ni Rep Co. na sigurado ang ayuda para sa heavy equipment lalo’t noong nakaraang taon ay umabot din sa P38 billion pesos ang nakolekta na lubhang mas malaki kaysa itinatakda ng Rice Tariffication Law na sampung bilyong piso lamang.
Kumpiyansa rin si Co na tataas sa walumpung porsyento ang produksyon ng bigas sa sandaling masimulan ang contract farming ng National Irrigation Administration o NIA at maisakatuparan ang solar-powered fertigation system.
Sa ilalim ng contract farming, target ng NIA na makapagbenta ng bigas sa presyong 29 pesos kada kilo pagsapit ng Agosto.
Kapag nailatag at naramdaman na umano ang mga hakbang ng gobyerno ay tuluyan nang maaabot ang food security na siyang legasiya na nais iwan ni Pangulong Bongbong Marcos.