
Negatibong naapektuhan ang approval at rust ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP Sara Duterte sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya ng bansa.
Kabilang na ang 4.3% na pagbagal ng paglago ng ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga bilihin.
Base resulta ng “Pahayag 2023 Third Quarter Survey” ng Publicus Asia, lumalabas na bumaba ang approval rating ni PBBM mula sa 62% noong ikalawang kwarter sa 55% sa ikatlong kwarter.
Habang ang trust rating ng Pangulo ay bumaba din sa 47% mula sa 54%.
Bumaba rin ang approval rating ni VP Sara mula sa 67% noong ikalawang quarter sa 62% sa 3rd quarter habang ang kaniyang trust rating ay bumaba mula sa 61% sa 55%.
Ilang matataas na opisyal din ng bansa ang naapektuhan ang kanilang approval at trust ratings.
Kabilang si Senate President Juan Miguel Zubiri na bumaba ang approval rating mula sa 49% noong ika-2 quarter sa 43% sa ika-3 quarter habang ang kaniyang trust rating ay bumaba mula sa 37% sa 33%.
Gayundin, ang approval rating ni House Speaker Martin Romualdez ay bumab mula sa 42% sa 37% habang ang kaniyang trust rating ay bumaba rin mula sa 32% sa 29%.
Ang naturang survey ay isang independent at non-commissioned survey na isinagawa mula Setyembre 7 hanggang 12 sa 1,500 respondents sa iba’t ibang lugar sa buong bansa.