-- Advertisements --

Itinakda ng mga Democrats sa Abril 23 ang pinal na deadline upang ibigay ng Internal Revenue Service (IRS) ang tax returns ni US President Donald Trump.

Ito’y ilang araw matapos mapaso ang naunang target na petsa.

“I am aware that concerns have been raised regarding my request and the authority of the Committee. Those concerns lack merit,” saad sa liham ni House Ways and Means Committee Chairman Richard Neal kay IRS Commissioner Charles Rettig.

Nitong Huwebes, sinabi ni Treasury Sec. Steven Mnuchin na hindi raw masusunod ang naunang petsa dahil sa posibleng constitutional issues na lumutang dahil sa hiling ng mga Democrats.

Giit naman ni Trump, hindi niya raw puwedeng ilabas ang kanyang tax returns dahil ina-audit ito.

Pero ayon sa IRS, hindi raw ito hadlang sa kanilang paglabas ng tax returns.

“It is not the proper function of the IRS, Treasury or Justice to question or second guess the motivations of the Committee or its reasonable determinations regarding its need for the requested tax returns and return information,” wika ni Neal.

Nagbigay ng hanggang alas-5:00 ng hapon (local time) sa nabanggit na petsa si Neal upang mapasakamay nila ang tax records. (AFP)