-- Advertisements --

Nasawi ang isang aquaculturist ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources matapos itong pagbabarilin sa Panabo City, Davao del Norte.

Batay sa report ng Panabo City Police Station, ang biktima ay 42 anyos at isang senior aquaculturist ng BFAR’s National Mariculture Center.

Ang biktima ay nasa loob ng sasakyan habang naka park sa harap ng opisina ng isang fisheries company ng bigla na lamang itong pinaputukan ng hindi pa nakikilalang gunmen sa ulo na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Agad namang tumakas ang suspect matapos ang pamamaril nito.

Inaaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril at nagsagawa na rin ito ng hot pursuit operation laban sa gunmen.