Mga kilalang personalidad mula sa mundo ng politika, showbiz, at negosyo ang kabilang sa nalalapit na kasal ni Ara Mina at kanyang fiancé na si Dave Almarinez.
Batay sa impormasyon, sa darating na Sabado, June 12 o kasabay ng 123rd Philippine Independence Day, gaganapin ang “big day” ng 42-year-old sexy actress sa Baguio City.
Sampung pares ang kanilang ninong at ninang kabilang sina dating Senate President Manny Villar at Senator Cynthia Villar, Senator Bong Go, Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon, Senator Ralph Recto at House Representative Vilma Santos-Recto, Trade Secretary Ramon Lopez, Glicerio Santos, Jr. ng Iglesia ni Cristo, Megastar Sharon Cuneta, Dioceldo Sy, Robina Gokongwei-Pe, at iba pa.
Isa sa matrons of honor ang kapatid ni Ara na sina Cristine Reyes, at tampok din ang kanyang five-year-old daughter sa dating boyfriend na si Bulakan Mayor Patrick Meneses..
Nitong April 28 sana ang kanilang kasal, matapos maging engaged noong Enero, ngunit naantala dahil sa pagtaas ng mga kaso ng Coronavirus Disease sa National Capital Region.
Ang 45-anyos na si Almarinez ay dating lokal na opisyal sa Laguna at ngayon ay pinuno ng Philippine International Trading Corporation Mayroon na rin siyang anak kay Rina Navarro na kaibigan din ni Mina.