-- Advertisements --
Marami ang humanga sa ginawang pagtulong ng actress na si Ara Mina sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Sa kaniyang Instagram account, nagpost ang 41-anyos na actress ng larawan habang nasa likod nito ang ilang daang sako ng bigas.
Ipapamigay aniya nito ang mga bigas sa probinsiya ng Laguna at Rizal ganun din sa Quezon City, Angeles City, Pampanga at Caloocan.
Idinaan nito ang donasyon sa Goodwill Heart Foundation.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay nagbigay na rin ng mga gatas sa mga bata ng Caloocan at Malabon ganun din ang mga personal protective equipment sa mga frontline health workers.