Inuulan ng pagbati si Ara Mina para sa natuloy na nitong pag-iisang dibdib sa pinuno ng Philippine International Trading Corporation na si Dave Almarinez.
Una kasing may mga nag-akala na noong June 12 kasabay ng Independence Day celebration ng bansa ang “big day” ni Ara o Hazel Pascual Reyes sa tunay na buhay, pero kinalaunan ay petsa lang pala iyon para sa final reservation ng headcount sa mga bisita.
Sa official wedding invitation, ngayong huling araw ng June ang kasal ng 42-year-old actress sa (Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel) Baguio City Mga kilalang personalidad mula sa mundo ng politika, showbiz, at negosyo ang imibitado.
Bahagi rin ng entourage ang kanyang five-year-old daughter sa dating boyfriend na si Bulakan Mayor Patrick Meneses, at kapatid na si Cristine Reyes.
Napag-alaman na mahigpit pa ring ipinapatupad ang safety protocols sa Baguio City kaya lahat ay inobliga na magpa-swab test bago pa lang umalis ng Maynila at dapat ay rehistrado sa Baguio Visita website para makakuha ng QTP (QR-coded Tourist Pass).
Nitong April 28 sana ang kanilang kasal matapos maging engaged noong Enero, ngunit naantala dahil sa pagtaas ng coronavirus cases sa National Capital Region.
Ang 45-yrs old na si Almarinez ay dating lokal na opisyal sa Laguna at mayroon na rin siyang anak kay Rina Navarro na kaibigan din ni Mina. Kabilang sa hit movies noon ni Ara ay “Laro sa Baga,” “Sagad sa Init,” “Phone Sex,” “Nag-aapoy na Laman,” “Two Timer,” at iba pa.