Maraming pinakilig na mga fans ang actress na si Ara Mina matapos na kumpirmahin nito at mag-post sa social media na siya ay engaged na.
Ayon sa ilang bumati, “sa wakas ay nakahanap na rin ito ng tunay na pag-ibig ang aktres.”
Sa larawang ibinahagi sa publiko ni Mina, makikita roon ang proposal sa kanya ni Dave Almarinez at iniaabot ang engagement ring. Mapapansin ding emosyunal si Ara.
Ayon sa dating sexy actress, ngayong araw ay natanggap niya ang “perfect gift” mula sa Diyos na matagal na raw niyang inaantay.
“Today I have received the most perfect gift from God,” bahagi ng caption ni Ara. “A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life… You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love. Yes, I will marry you!”
Si Almarinez, 45, na dating lokal na opisyal sa lalawigan ng Laguna at ngayon ay presidente at CEO at undersecretary ng Philippine International Trading Corporation.
Ang 41-anyos na si Ara ay merong anak sa dati nitong boyfriend na si Bulakan Patrick Meneses.
Si Almarinez naman ay meron ding anak kay Rina Navarro na kaibigan din ng actress.