-- Advertisements --

Limang Arab foreign ministers at isang opisyal ng Palestine ang nagpadala ng liham kay US Secretary of State Marco Rubio upang tutulan ang mungkahi ni US PRES Donald Trump na ilikas ang mga Palestinian mula sa Gaza.

Pinirmahan ng mga foreign ministers ng Jordan, Egypt, Saudi Arabia, Qatar, at UAE, kasama si Palestinian presidential adviser Hussein al-Sheikh, ang liham na ipinadala nitong Lunes matapos ang pulong sa Cairo.

Binigyang-diin sa liham na dapat direktang makilahok ang mga taga-Gaza sa muling pagtatayo ng kanilang lugar, at hindi sila dapat piliting lumikas.

Mariing tinutulan ng Jordan, Egypt, at iba pang Arabong bansa ang panukala ni Trump, na itinuturing ng mga kritiko bilang isang anyo ng ethnic cleansing.