Ganap ng batas ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law matapos lagdaan ito ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang para tugunan ang gaps na naidulot nuong pandemic.
Ang Republic Act. No 12028 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ay isa sa tinukoy na priority measure ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Layon ng batas na bumuo ng national learning intervention program para tulungan ang mga nahihirapang mag-aaral para mag catch up sa kanilang aralin batay sa required standards ng kanilang grade levels.
Ang nasabing programa ay pangungunahan ng Deped sa pamamagitan sa pag tap sa mga guro, pre-service teacher at yung mga estudyante na naka enroll sa teacher degree program.
Ang ARAL program ay isang libreng national learning intervention program.
Naka pokus ang programa para mapabuti ang competencies ng mga estudyante partikular sa essential learning areas kabilang ang reading at mathematics para sa Grade-1 to 10 at science para sa grade 3 to 10.
Para sa kindegarten naka tutok ang ARAL Program sa paghubog sa mga mag-aaral at paigtingin ang kanilang literacy at numerical competencies.
Upang masiguro ang pagiging epektibo at accessibility ng mga tutorial sessions isasagawa ito sa tatlong flexible delivery modes.
Maari pumili ang mga mag-aaral ng face-to-face tutorials, online at blended learning.