Kumalma ang oil market matapos siguraduhin ng Saudi Arabia na balik normal ang operasyon ng kanilang oil ouput bago matapos ang buwan ng Setyembre matapos maapektuhan ang halos kalahati ng kanilang oil production.
Kaugnay ito ng pagpapasabog diumano ng Iran sa dalawang key oil facilities ng bansa.
Bumagsak ng 7% ang presyo ng langis kasunod ang biglang pagtaas nito noong Lunes.
Sinabi rin ni US President Donald Trump na hindi na umano kinakailangan mag-release ng oil reserves mula sa US emergency stocks.
Ang international benchmark na Brent crude oil ay bumaba ng halos 7% o $64.6 mula sa presyo nito noong Lunes na 14% o $69.02 kada bariles ng krudo.
Habang ang U.S. West Texas Intermediate oil naman ay bumagsak din ang presyo ng 5.5% o $59.5 mula $61.23 kada bariles noong Lunes.
Samantala, narekober naman ng Saudi Arabia ang ilang circuit boards na nakakabit pa sa isa sa mga drones na ginamit sa pagpapasabog ng oil facilities sa naturang bansa.
Ayon sa isang US official, parehong drones at cruise missiles ang ginamit sa pag-atake.
Sinabi rin nito na inaasahan daw ng US at Saudi na sa huli ay sa Iran pa rin maituturo ang pinanggalingan ng mga naturang circuit boards at flight data.