-- Advertisements --
saudi oil attack
Two major oil facilities in Saudi Arabia were attacked by 19 drones on Sunday impacting 5.7 million barrelss of oil production

Handa na umanong rumesponde ang United States matapos ang drone attack sa dalawang petroleum facilities sa Saudi Arabia.

Sinabi ni US President Donald Trump na alam nito kung sino ang utak sa likod ng nasabing pagpapasabog ng dalawa sa pinaka-malaking oil processing plant sa buong mundo.

Ayon sa American President hinihintay pa raw nito ang beripikasyon mula sa Saudi Arabia kung sino ang sa tingin nila ang nagdulot ng pag-atake at kung hanggang saan sila papayagan na mangialam sa naturang usapin.

Ito ang kauna-unahang beses na nagpahiwatig si Trump ng posibleng pag-responde ng American military bilang tugon sa pagpapasabog.

Dahil sa pagkasunog ng oil facilities ay tumaas ang presyo ng langis ng hanggang 20%. Ang international benchmark na Brent crude oil ay tumaas mula $12 o 700 pesos hanggang $71.95 o 3,800 pesos kada bariles. Samantalang ang U.S West Texas Intermediate crude naman ay tumaas mula $6.4 o halos 335 pesos hanggang $61.23 o 3,200 pesos kada bariles.

Kaugnay nito, inanunsyo din ni Trump ang pag-authorise niya sa pagbabahagi ng langis mula sa US Strategic Petroluem reserve kung kinakailangan.

Inutusan na rin umano niya ang iba’t ibang ahensya upang i-expedite o pabilisin ang pag-apruba ng oil pipeline projects upang matugunan ang global supply ng langis.

Una nang ibinintang ni US Secretary of State Mike Pompeo na Iran ang nasa likod ng pag-atake na kalaunan naman ay inako ng Houthi rebel group mula Yemen ang responsibilidad sa pagpapasabog.

Binabalak naman ng Saudi Aramco, ang state-owned oil giant, na ayusin muli ngayong araw ang kalahati ng crude output na nasira. Tinatayang halos 5.7-million barrels ng oil production kada araw ang nawala sa bansa habang 5% ng world supply ng krudo ay nakadepende sa Saudi Arabia.