-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Patuloy pa rin ang Task force Sagip Stranded North Cotabateños sa pagbibigay ng gabay at tulong sa mga returning overseas Filipinos (ROF) at locally stranded individuals (LSI).
Sa pinakahuling tala, umabot na ng 67 locally stranded Cotabateños ang napauwi.
Ayon ito sa direktiba ni Gov. Nancy Catamco ang mga ito ay kinabibilanang ng 36 na returning overseas Filipinos at 31 naman ang LSI.
Kabilang sa panuntunan ng task force na lahat ng LSIs at ROFs na uuwi sa probinsya ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.
Maaaring i-access ang Facebook Page ng TASK FORCE SAGIP STRANDED NORTH COTABATEÑOS para sa mga detalye at mayroon ding mga hotline numbers na maaaring matawagan ng mga nangangailangan ng gabay.