-- Advertisements --
Magtitipon ang mga cardinal ng Simbahang Katolika sa isang sikretong conclave simula sa Mayo 7 upang piliin ang susunod na Santo Papa, ayon sa isang mataas na opisyal ng Vatican nitong Lunes, Abril 28.
Napagkasunduan ang petsa sa isang closed-door na pagpupulong ng mga cardinal sa Vatican, na siyang unang pagpupulong mula nang ilibing si Pope Francis noong Sabado. Inaasahan ang opisyal na anunsyo sa mga susunod na araw.
May kabuuang 135 cardinal mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo—lahat ay nasa ilalim ng edad 80—ang may karapatang bumoto sa conclave upang italaga ang bagong pinuno ng Simbahang Katolikong may 1.4 bilyong miyembro sa buong mundo.
Ang huling dalawang conclave noong 2005 at 2013 ay tumagal lamang ng dalawang araw.