-- Advertisements --
Mula sa 5,479 kahapon, tumaas sa 6,664 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,555,396 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 5,766 na bagong recoveries kung saan nasa 1,473,009 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 27,247 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong araw ng 23.
Kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, mayroong 55,140 na aktibong kaso ng COVID ang bansa.
Ayon sa DOH, ito ay pinakamataas na nai-record mula nitong July 2.