Inihayag ng Task Force El Niño na hindi lang pangmatagalang solusyon ang tinututukan ng pamahalaan para tugunan ang nararanasang El Niño Phenomenon sa Pilipinas.
Sa isang panayam, sinabi ni Task Force El Niño Spokesperson Joey Villarama, na kanila ring tinututukan ang arawang tulong sa mga magsasaka na labis na naapektuhan ng tag-tuyot ss bansa.
Ito ang mga magsasakang nakaasa ang ika bubuhay sa kanilang mga aning produkto.
Sinabi ng opisyal na hindi lang patubig, irigasyon, at distribution ng binhi at iba pang farm inputs ang ipinapamahagi ng National Government sa mga apektadong magsasaka.
Namamahagi rin aniya ng pagkain ang gobyerno lalo na kung umabot na sa calamity situation ang isang lugar.
Maliban dito , may mga alternatibong pangkabuhayan rin na ibinibigay ang DOLE at DSWD sa mga magsasaka.