-- Advertisements --
DND DELFIN LORENZANA IATF
Defense Sec. Delfin Lorenzana

Nilinaw ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi isinusuko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Arbitral Court Ruling na inilabas ng Permanent Court of Arbitration na pumapanig sa Pilipinas kaugnay sa maritime dispute na inihain nito laban sa China.

Sinabi ni Lorenzana, iginigiit pa rin ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jin Ping na kaniya pa ring “i-invoke” ang Arbitration Court Ruling bago magtapos ang kaniyang termino.

Depensa ng kalihim, ang pahayag ng Pangulo ay naging “pragmatic and realistic” lamang kaya nasabi niyang inutil.

“I believe he is not being defeatist, he is jusy being pragmatic and realistic, you know there are so many countries who are getting involved here in the South China Sea but they have different interest than the Philippines, their main concern is freedom of navigations, we support that because it also coincides with our ways,” wika ni Sec. Lorenzana.

Samantala, isusulong pa rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang peaceful resolution ang isyu sa West Philippine Sea na naaayon sa rule of law.

Tiniyak naman ni AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na magpapatuloy pa rin ang militar sa pagpatrulya sa mga teritoryo ng bansa, upang ipakita ang “sovereign rights at ang territorial integrity” ng bansa sa West Philippine Sea.

Kaisa rin ang Pilipinas sa isinulong ng ibang bansa na freedom of navigation sa South China Sea.

Siniguro naman ni Gapay na mananatili ang magandang relasyon ng Pilipinas at Beijing.