-- Advertisements --

Nagbabala si Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula sa publiko laban sa mga kumakalat na pekeng solicitation letter na humihingi ng pera para sa nalalapit nitong pag-upo bilang bagong arsobispo ng Maynila.

Sinabi nito na walang katotohanan na humihingi ito ng pera para sa nasabing installation niya sa Archdiocese of Manila.

Lahat aniya ng mga pirma na nasa sulat ay pineke kung saan wala umanong pari na nagngangalang Allan Supillanas na kanyang chancellor.

Mariing pinabulaanan naman ng Archdiocese of Manila na humihingi sila ng pera para sa installation ni Advincula.

Sa ngayon wala pa rin aniyang petsa kung kailan ang pormal na pag-upo ni Advincula.