Hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga pari, miyembro ng religious congregations at lay leaders na kaniyang nasasakupan na magdagdag ng pagdarasal sa lahat ng mga misa para makamtan ang kapayapaan sa Ukraine, Israel, Palestine at sa buong mundo.
Ito ang laman ng circular na pirmado ni Fr. Carmelo P. Arada Jr ang Vice Chancellor ng Archdiocese of Manila kung magsisimula ang dagdag na pagdarasal sa Hulyo 21.
Ang Prayer of the Faithful ay regular ng dinarasal pagkatapos ng homily ng padre na bahagi na rin sa misa na iniimbitahan ang mananampalataya na magdasal sa mga ikinakabahala ng simbahan at buong mundo.
Una ng nanawagan rin si Pope Francis sa mga mananampalataya ha huwag tumigil sa pagdarasal para matigil na ang kaguluhan sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.