-- Advertisements --
Nanawagan si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula sa mga mananampalataya na manatiling kalmado at pagtiwalaan na lamang ang democratic process sa katatapos lamang na National and local election ng bansa.
Natapos na aniya ang halalan kaya panahon na para ipagpatuloy ang pagmamahal, pag-aruga at pagdarasal para sa bansa.
Pinasalamatan din nito ang mga baguhang botante na mga kabataan na siyang naging mukha ng bansa para sa kinabukasan.
Binigyang pugay din ni Advincula ang mga volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) dahil sa walang patid na pagtulong para magkaroon ng malinis na halalan.