-- Advertisements --
Nanawagan si Manila Archbishop Jose Advincula sa mga simbahan na dapat maging malapit sa mga mahihirap.
Sinabi nito na mayroon ng malaking agwat ang simbahan at mga mahihirap kung saan hindi na kilala ng mga mahihirap ang simbahan ganun din may mga simbahan na hindi kilala ang mga mahihirap.
Napagtanto lamang nito ang katotohanan sa isinagawang national synodal consultation na ginana psa Tagaytay noong Hulyo.
Nasa Roma si Advicunla para makibahagi sa dalawang araw na extraordinary consistory na ipinatawag ni Pope Francis at ang consistory para bumuo ng 20 bagong mga cardinals.