-- Advertisements --
Arch Brown

Pormal nang iprinenisenta ng bagong Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga credentials.

Isinagawa ng 61-anyos na arsobispo ang pagpresinta sa pamamagitan ng virtual ceremony sa MalacaƱang.

Ang papal nuncio ay siyang permanenteng diplomatic representative ng Santo Papa sa isang bansa.

Siya rin ang pipili ng mga bagong obispo ng bansa.

Liban nito, tatayo rin ang papal nuncio bilang dean ng diplomatic corps sa Pilipinas.

Dumating sa bansa si Brown noong Nobyembre 29 na pumalit kay Archbishop Gabriele Caccia na itinalaga ngayon bilang Permanent Observer Mission sa United Nations sa New York.