-- Advertisements --
Nanawagan si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Caccia sa mga mananamapalataya na tulungan ang mga nasalanta ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon.
Sinabi ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas na bukod sa mga tulong gaya ng pagkain at iba ay mahalaga rin aniya ang pagdarasal.
Pinayuhan din nito ang mamamayan na sakaling may dumaan na malakas na pagyanig ay huwag makaligtaang magdasal.
Magugunitang ilang simbahan sa Pampanga ang nasira rin ng malakas na lindol.
Maging sa Eastern Samar ay naitala rin ang pagkabitak ng ilang bahagi ng lumang simbahan lalo na sa bayan ng San Julian.