-- Advertisements --

Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na lumahok sa taunang pro-life event na “Walk for Life” sa darating na Pebrereo 23.

Binigyang halaga ni Advincula ang pagkakaisa lalo na ngayong panahon ng Jubilee Year para sa promosyon ng proteksyon ng buhay.

Magsisimula ang pagtitipon ng alas-4 ng umaga sa Lawn C ng Flower Clock Area sa Rizal Park.

Ang dalawang kilometrong paglalakad ay magsisimula ng 4:30 ng umaga na mula sa Maria Orosa Street, Muralla Street at sa Santo Tomas Avenue.

Pagdating naman sa Manila Cathedral ay magkakaroon ng maikling programa pagkatapos ang misa na pangungunahan ni Advincula.

Noong nakaraang taon ay isinagawa ang Walk For Life mula sa Welcome Rotonda sa Quezon City hanggang University of Santo Tomas sa Maynila.