-- Advertisements --

Binalaan ni Lingayen-Dagupan Archbishop at dating Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president Socrates Villegas ang mga nasa likod ng iba’t-ibang uri ng scam.

Sinabi nito na ang mga ito ay may matinding pananagutan sa Maykapal.

Marapat sila na matakot sa impyerno dahil ito ay totoo kapag bumalik sa kanila ang ganti.

Pinayuhan din nito ang mga biktima ng scammers na ibahagi sa iba ang karanasan para maging mapag-matyag at maiwasan na rin silang mabiktima ng scam.