-- Advertisements --

Hinikayat ni Lingayent Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga mananampalataya ng sabay-sabay na magdasal ng Rosaryo.

Isasagawa ang pagdarasal ng isang milyong mga bata sa buong mundo ng rosaryo ng alas-9 ng umaga ngayong araw Oktubre 18.

Layon ng pagdarasal ay para makamit ang kapayapaan sa buong mundo.

Dagdag pa ni Villegas na siya ring chairman ng Aid to the Church in Need (ACN) na ang pagdarasal ng mga bata ay tila isang awit sa tenga ng Diyos.

Maging ang mga may edad at kung saan man sa lugar sa buong mundo ay dapat magdasal ng Rosaryo.