DAGUPAN CITY- Mariing pinabulaanan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang umanoy pagkakaugnay nito sa project Sodoma na planong patalsikin sa pwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte bago ang Hunyo 30.
Itoy matapos na idawit ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy si Villegas sa pagnanais na mapatalsik sa pwesto ang pangulong Duterte.
Kasama rin umano plano ang pag-upo ni Vice President Leni Robredo sa Malacañang at si Trillanes ang magsisilbing bise presidente.
Sa ipinadala nitong mensahe sinabi ni Villegas na siya ay isang pari at hindi nito pahihintulutan ang anumang kasamaan at illegal na gawain.
Giit nito na sa petsa na tinukoy na nagkaroon ng pag uusap ang mga sangkot sa naturang proyekto kung saan siya iniuugnay, siya ay nasa simbahan sa Orani Bataan para sa isang misa ng kaniyang bagong ordinang kaibigang pari.
Wala umano siyang kakayahan na mapunta sa dalawang lugar sa iisang panahon at pagkakataon.
Maliban kay Villegas iniuugnay din sa naturang plano si Senator Antonio Trillanes IV bilang utak ng kaniyang paglantad kapalit ng kalahating milyong piso.
Bukod sa mga nabanggit na mga pangalan, sinabi ni Bikoy na kasama rin sa mga nagplano ng project Sodoma sina Father Albert Alejo na isang heswita, tatlong obispo at ilan pang pari kasama si Robert Reyes at si dating Education Secretary Armin Luistro.
Idinamay rin ni Bikoy sina Senators Risa Hontiveros at Leila De Lima sa pamamagitan ng kanilang mga abugado.
Iniugnay rin ni Bikoy sa oust Duterte plot sina Chel Diokno, Gary Aleljano, Romulo Macalitan, Pilo Hilbay, Bam Aquino, Samira Gutoc at Erin Tañada.