ROXAS CITY – Halos hindi makapaniwala si cardinal Jose F. Advincula Jr., matapos nalaman na kabilang ito sa 13 bagong cardinal na inanunsiyo ni Pope Francis sa kaniyang regular na Sunday Angelus prayer sa Vatican.
Ayon kay Advincula na labis ang kanyang kasiyahan at hindi siya makapaniwala na kabilang ito sa mga napili bilang cardinal ng Santo Papa.
Dahil dito, laking pasasalamat naman ni Advincula sa mga kristyanong Pilipino sa patuloy na pananampalataya sa Diyos.
Nagkaisa naman ang Simbahang Katoliko para ipagdasal na magampanan at mapag-tagumpayan nito ang kaniyang bagong tungkulin.
Aniya na indikasyon lamang ito sa kanyang mga nagawa sa lalawigan katulad na lamang sa pagpapatayo ng dagdag pang mga simbahan at mga mission stations at inisyatibo sa pagpapadala ng pari sa ibang mga lugar.
Magugunitang mula 2012 ay naging archbishop na ng Capiz si Advincula na siyang pang-siyam na Filipino cardinal na kinabibilangan nina Luis Antonio Tagle, Gaudencio Rosales, Rufino Santos, Jaime Sin, Ricardo Vidal, Julio Rosales, Orlando Quevedo at Jose Sanchez.
Bago naging pang-apat na archbishop ng Capiz, ay naging bishop si Advincula ng San Carlos.
Isinilang sa Dumalag, Capiz ang 68-anyos na si Advincula at na-ordained bilang pari noong 1976.
Nabatid na si Advincula pa lamang ang pinakaunang Filipino cardinal na nagmula sa lalawigan ng Capiz na napili bilang cardinal ni Pope Francis.