-- Advertisements --

Napromote bilang cardinal si Archbishop Jose Advincula nag Capiz.

Kabilang si Advincula sa 13 bagong cardinal na inanunsiyo ni Pope Francis sa kaniyang regular na Sunday Angelus prayer.

Mula pa noong 2012 ay naging archbishop na ng Capiz si Advincula na siyang pang-siyam na Filipino cardinal na kinabibilangan nina Luis Antonio Tagle, Gaudencio Rosales, Rufino Santos, Jaime Sin, Ricardo Vidal, Julio Rosales, Orlando Quevedo at Jose Sanchez.

Bago naging pang-apat na archbishop ng Capiz, ay naging bishop si Advincula ng San Carlos.

Isinilang sa Dumalag, Capiz ang 68-anyos na si Advincula at na-ordained bilang pari noong 1976.

Ilan sa mga napromote na bagong cardinal ay sina Archbishop Antoine Kambanda ng Kilgali, Rwanda; Achbishop Wilton Gregory ng Washington; Archbishop Celestino Aos Braco ng Santiago, Chile; Cornelius Sim ang apostolic vicar ng Brunei; Archbishop Augusto Paolo Lojudice ng Siena, Italy, Marlo Grech ang secretary general ng Synod of Bishops; Marcello Semeraro, ang bagong talagang prefect for the Congregation of the Causes of Saints; Mauro Gambetti, guardian of the Franciscan Sacro Convento in Assisi; Felipe Arizmendi Esquivel ang archbishop emeritus ng San Cristobal de Las Casas sa Mexico; Silvano Tomasi, dating permanent observer ng United Nations sa Geneva; Raniero Cantalamessa, preacher of the papal houselhold; Enrico Feroci, pastol of the Shrine of Divine Love.