-- Advertisements --

Kinumprima ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pamamagitan ng isang Facebook post na si Archbishop. Charles Brown, ang Apostolic Nuncio, o ang kinatawan ni Pope Francis ang siyang bibisita sa Dagupan City.

Ito ay matapos umani ng iba’t ibang reaksyon ang nauna nitong post na nagsasabing “pupunta si Pope Francis sa Dagupan sa Agosto 4, 2022.

Sa naunang post ni Archbishop Socrates Villegas aya agad itong umani ng mahigit 12,000 reaksyon ang nasabing post bago pero agad naman itong inalis makalipas ang isang oras.

Matatandaang huling bumisita ang Santo Papa sa Pilipinas noon pang Enero taong 2015.