Opisyal nang nagbitiw si Archbishop Jose Romeo “Romy” Lazo bilang arsobispo ng Archdiocese of Jaro sa IloIlo City.
Ginawa ng arsobispo ang pagbibitiw bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng kanyang pagkapari.
Sa kanyang homiliya nitong araw ng Abril 1, inilarawan ni Lazo ang kanyang buhay bilang isang pari na simbolo umano ng pag-abot sa iba at ng Diyos sa kanya.
Nagpasalamat siya sa mga mananampalataya sa kanilang pagmamahal at katapatan, at nanawagan ng patuloy na pagkakaisa para sa synodality sa pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope.
‘Thank you very much for your love, for your presence and for your faithfulness to God’s love,’ wika ni Lazo
Nagbitiw si Lazo upang magbigay daan sa pormal na pag-tatalaga kay Archbishop Midyphil “Dodong” Bermejo Billones bilang bagong arsobispo sa Abril 2.