Hangad ni i Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas na magsilbing “eye opener” sa publiko ang pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy Aquino pagdating sa pagpili ng mga magsisilbing pinakamataas na lider ng bansa.
Bahagi ito ng Homily sa idinaos na huling misa para sa dating pangulo na pinangunahan ni Archbishop Villegas sa Church of Gesu ng Ateneo de Manila University.
Ayon pa sa arsobispo, isa sa mensahe ng pamamaalam ni P-Noy ay ang matiyak na hindi nakokompromiso ang dignidad ng mga Pilipino.
Maaari aniyang bata pa kung maituturing ang pagkamatay ni dating Pangulong Aquino sa edad na 61, ngunit ang mahalaga ay naging makabuluhan naman ito.
Dagdag nito na ang best eulogy para kay Aquino ay hindi yaong naisulat at naipahayag, bagkus ay ang pagkakaroon ng decency sa bawat liderato ng bansa.
“President Noy joined the pantheon of the great, and has entered into eternity. He is where sickness can no longer threaten, where fake news has no more place, and where trolls are dead,” ang Sermon pa ni Archbishop Soc.
Dagdag pa nito, “Kung nagulat tayo sa kanyang pagpanaw, magmasid sana tayo sa buong bansa. Hindi ba dapat rin tayong magulat sa nagaganap sa ating paligid?
It was the silence of a noble statesman now rare and forgotten. It was the silence of ‘daang matuwid’
His silence after his presidential term was a silence of dignity.“
Matapos ang misa, dederetso na ang convoy sa Manila Memorial Park sa Paranaque City para sa libing katabi ng puntod ng kanyang mga magulang na sina dating Pangulong “Cory” Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino.
Nitong June 24 kasabay ng “Manila Day,” nang bawian ng buhay ang pang-15 pangulo ng bansa sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes.