Hinimok ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga mananampalataya na pag-aralan at bantayan ang 2025 budget ng bansa.
Ayon kay Villegas, may ‘moral responsibility’ ang mga mamamayan para tiyaking ang mga resources ng bansa ay nagagamit ng maayos at sumasalamin sa mga prinsipyo ng demokrasya.
Binigyang-diin ng arsobispo na tuloy-tuloy niyang papaalalahanan ang mga mananampalataya para maging mapanuri at bantayan ang pambansang pondo. Muli ring binalikan ng arsobispo ang bicameral conference committee dahil sa umano’y pagmamalabis sa tungkulin nito at umasta bilang ‘third chamber of Congress’.
Giit nito, dapat ang kinatawan ng mga mamamayan at hindi ang iilan ang mismong mag-draft sa national budget.
Nakakalungkot aniya na mistulang ikinunsidera ng bicam ang kanilang interest at hindi kumatawan sa popular concern at popular interest.
Isa sa mga inihalimbawa ng arsobispo ay ang pagkadismaya niya at ng maraming Pilipino sa pagtanggal sa subsidiya ng Philippine Health Insurance Corporation