Nanawagan ang isang opisyal ng Simbahang Katolika sa publiko na huwag iboto sa darating na halalan ang mga kandidatong sinungaling.
Sa kanyang pastoral letter, iginiit ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na walang karapatan na makatanggap ng boto ang mga sinungaling na politiko dahil tiyak na magiging corrupt din daw ang mga ito oras na sila’y mahalal.
Ani Villegas, fake news o maling impormasyon ang ugat ng korupsyon.
“Lying candidates should receive no vote. Liar candidates will be the future corrupt officials,†ayon pa sa arsobispo.
“Fake news is the mother of corruption. Corruption thrives in the plastic garden of fake news. Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw,” dagdag nito.
Payo pa ng dating CBCP president sa mga botante, maging kritikal at mapagmatyag sa kanilang pagpili ng mga ihahalal.
“Be careful. Be critical. Be courageous. How would Christ vote? Vote like Christ. Do not leave God at the altar. Bring your Christian faith when you vote.â€
Makabubuti umano kung ikokonsidera ng bawat isa ang mga sistema sa gobyerno na naging epektibo sa nakalipas na panahon at kung ano ang dapat ng palitan.
“We have five primary concerns. Some of you might want to add or remove. Consider kamatayan. kabastusan, korapsyon, kahirapan, kasarinlan and kasinungalingan.”