-- Advertisements --

ILOILO CITY – Labis ang pasasalamat ng Archdiocese of Capiz matapos itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Jose Fuerte Advincula ng Capiz bilang bagong arsobispo ng Archdiocese of Manila.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Msgr. Cyril Villareal, vicar general ng Archdiocese of Capiz, sinabi nito na walang pagsidlan ang kanilang tuwa sa pagpili kay Advincula kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle na sa ngayon ay nakaupo bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Vatican.

Si Advincula ang kauna-unahang Filipino Cardinal na nagmula sa Capiz matapos hinirang ni Pope Francis noong Nobyembre 28, 2020.

Sa ngayon, wala pang napiling arsobispo na hahalili kay Advincula bilang bagong arsobispo sa Capiz.