Nakatakdang magsagawa ang Archdiocese of Cebu ng isang prayer rally sa darating na Hulyo 27 nitong lungsod ng Cebu may kaugnayan sa posisyon ng simbahan sa pagtutol nito sa pagpasa ng divorce bill.
Inihayag ni Most Rev. Midyphil Billones, Auxiliary bishop ng Archdiocese of Cebu, sinabi niyang isagawa ang kaganapan hindi upang makipagdebate kundi upang ipagdiwang ang kagandahan ng pag-iisang dibdib at buhay pampamilya na karapat-dapat na ipaglaban sa kabila ng mga hindi perpektong relasyon.
Sinabi pa ni Most. Rev. Billones na ang pinakamahusay na panlunas umano ay ang pagtitiyaga sa kabila ng mga sakit at nakakamit pa ang kaligayahan sa pamamagitan ng pagpapatuloy at manatiling tapat.
Sa panig pa ni Msgr. Raul Go, sinabi nito na anuman ang relihiyon, may kapintasan pa rin at lilikha pa umano ng pinsala sa lipunan ang diborsyo.
Ayon kay Msgr Go, may sariling halaga ang pag-aasawa at maganda ito na hindi dapat i-balewala.
Inanyayahan naman nito ang mga Katoliko na sumali sa prayer rally dahil hindi lang aniya ito nagpapakita ng kanilang pagtutol sa diborsyo kundi higit sa lahat para i-commit ang mga tao na maging handa sa pagpapakasal habang ang mga may asawa na ay maging committed sa kanilang dedikasyon sa isa’t isa.
Samantala, iniulat ng simbahan na sa kanilang signature campaign mula sa mahigit 70 simbahan dito, as of July 18, nasa 122,000 signatures na ang kanilang naconsolidate at may dalawang distrito pang hindi naisali sa bilangan.
Ayon pa, magkakaroon ng kopya ng mga ito na ibibigay sa senate president habang magkakaroon din ng sariling kopya ang mga senador sa cover letter na nagbubuod sa posisyon ng simbahan.