Kinumpirma ng Pei Cobb Freed & Partners ang pagkamatay ni I.M Pei, isa sa pinaka-magaling na modernong arkitekto, sa edad na 102.
Isa si Pei sa nag-design ng Louvre Museum sa Paris noong 1980.
Si Pei ang kauna-unahang foreign architect na nagtrabaho sa Louvre ngunit maka-ilang ulit na hindi tinanggap ang kanyang disenyo.
Ipinanganak si Ieoh Ming Pei sa China noong 1914. Nagdulot ng malaking impluwensya ang kanyang mga magulang upang tahakin nito arkitektura.
Ang kanyang ama ay isang banker samantalang ang ina naman nito ay isang calligrapher at flautist.
Sa kabila ng hindi nito pagiging bihasa sa Ingles ay pinili pa rin nito na mag-aral sa United States.
Sakay naman ng bangka ay tumungo ito sa San Francisco mula China noong 1935.
Matapos mag-aral ng architecture sa Massachusetts Institure of Technology at Harvard University ay nagtayo si Pei ng kanyang sariling architectural practice sa New York noong 1955.
Siya rin ang napiling mag-disenyo sa John F. Kennedy Presidential Library & Museum noong 1964.