-- Advertisements --
Kinumpirma ni Arci Muñoz na hiwalay na sila ng nobyong si Anthony Ng.
Ayon sa actress na desisyon nila ng businessman boyfriend ang paghihiwalay.
Itinanggi din nito na nagkaroon ng third party kaya sila naghiwalay.
Taong 2017 ng inamin ng actress na may relasyon sila ni Ng.
Masaya naman ito dahil nananatili pa rin silang magkaibigan matapos ang paghihiwalay noong nakaraang mga buwan.
Sa ngayon ay abala muna ang actress sa kaniyang career.