Gagamitin umano ni Arci Munoz ang kanyang impluwensya bilang nasa showbiz industry, ngayong nagsimula na siya sa bagong responsibilidad na ibinigay sa kanya ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Nabatid na isa ring reservist ng Philippine Air Force si Arci o Ramona Cecilia sa tunay na buhay, at kinuha siyang ambassador sa bagong kampanya ng DILG na tinatawag nilang “Disiplina Muna.”
Ayon sa 32-year-old actress/singer, mismong kanyang superior ang kumausap sa kanya tungkol sa alok ng DILG kung saan hihikayatin nito kahit ang mga kabataan na magpabakuna kontra Coronavirus Disease.
“I have so much on my plate right now. And sabi ko sa kanila, it will be a great privilege for me if I can help you this little way to encourage people to get vaccination,” saad nito sa pep.
Nitong Enero nang maging target ni Munoz ang mahaba-habang bakanteng schedule kaugnay sa pagpasok niya sa isang flying school na siyang dahilan niya kaya unang sumabak sa military training.
Oktubre noong nakaraang taon nang siya ay ma-promote mula sa basic military training kung saan isa na siyang reserve sergeant.
Minsan na siyang nagbigay-pugay sa kanyang combat shoes, na kanya raw magiging paborito habambuhay dahil tinuruan siyang masaktan bunsod ng makapal na paltos sa paa pero siya ring nagpatatag sa kanya.