-- Advertisements --

ibinunyag ng aktress na si Arci Muñoz na nawala ang kaniyang credit card habang ito ay natutulog sa isang business-class seat sa isang international flght.

Sa kaniyang social media account ay ikinuwento nito ang insidente kung saan galing ito sa Japan at pabalik na sa Pilipinas.

Lulan ito ng Korean Air at habang nagpapahinga sa kaniyang cublcle ay naaalimpungatan na lamang siya dahil may isang lalaking nakatayo sa cubicle niya.

Kinukuha niya ang magazine sa kaniyang cubicle kaya ibinigay na lamang niya ito.

May nakakita umano na isang babae na binuksan ng lalaki ang kaniyang bag subalit itinatanggi ito ng inakusahang lalaki.

Sa una ay wala itong impormasyon na nawawala na ang kaniyang card dahil kumpleto naman ito ng kaniyang tignan subalit matapos ang dalawang araw ay mayroong natanggap na mensahe na ang kaniyang card ay ginamit umano sa Vietnam at Jakarta.

Hindi na niya nakuha pa ang pangalan ng suspek at nag-iwan na lamang ito ng mensahe sa airline company para siya ay kontakin.