-- Advertisements --

Maaari nang makauwi ng bansa si Ozamiz City Councilor Ardot Parojinog na kasalukuyang nakakulong sa Taiwan kapag napaiksi ang sentensiya nitong makulong ng tatlong buwan.

Si Ardot ay nakapiit sa Taiwan dahil sa kasong illegal entry at hinatulan ng tatlong buwang pagkakakulong.

Ayon kay P/Dir. Gregorio Pimentel ng Directorate for Intelligence, nakipag-ugnayan na rin ang Philippine National Police (PNP) sa Taiwan Economic and Cultural Office para sa immediate repatriation ni Parojinog.

Pumasok si Ardot sa Taiwan gamit ang mga pekeng dokumento.

Hindi naman masabi ni Pimentel kung humiling din si Parojinog ng repatriation kaugnay sa kaniyang kaso.

Dito sa Pilipinas ay patung-patong na kaso ang kahaharapin ni Ardot.

Si Parojinog ay nagtago ba matapos ang madugong insidenteng pagpatay sa kaniyang kapatid na si Mayor Reynaldo Parojinog.