-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naglunsad ng area security operations at dialogues ang tropa 90th Infantry Philippine Army kung saan inikot nito ang bayan ng Pikit, Cotabato at mga bayan ng Pagalungan at Datu Montawal, Maguindanao Del Sur.

Natulungan ang iba’t ibang barangay lalo na sa area security operations para sa pagsasagawa ng Sunday Masses at random checkpoint operations sa mga nabanggit na bayan.

Gayundin, nagsagawa ng mahahalagang coordination meetings bilang suporta sa pakikipag-ugnayan sa kapayapaan sa Brgy. Inug-ug at Brgy. Ladtingan sa Pikit, Cotabato. Sa Brgy. Bulod ng parehong bayan, isang espesyal na diyalogo ang pinasimulan ng pwersa ng gobyerno kasama ang Unit Commander Inner Guard Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa parehong layunin.

Samantala, ipagpapatuloy ng pwersa ng gobyerno ang nasabing mga operasyon sa Pikit at mga kalapit na bayan nito upang masubaybayan at maiwasan ang anumang masasamang gawain sa mga nabanggit na lokalidad.